Plumartin

Pasyal

Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ipasyal mo ako
Sa ibang mundo
Kung saan ang langit mo
Ay ikaw lamang at ako

Hawak ko
Ang iyong mga kamay
Nang sinabi mo
Na ako rin ay iyong mahal

Hmm kay sarap mamasyal
Natatanging lugar
Kung saan kapiling ka
Tayo lamang dalawa sinta

Oh (ah)
Ikaw ang aking mahal (ah)
Patungo sa 'lang hanggan (ah)
Ang aking pagmamahal sinta (ah)

Doon ang mga bulaklak
Kasabay ng hanging kumakanta
Ng mga awit ng pag-ibig
Para sa ating dalawa

Ipasyal mo ako
Sa iyong mundo
Kung saan ang paligid mo'y
Paglalambing ng aking pagsuyo

Hmm kay sarap mamasyal
Natatanging lugar
Kung saan kapiling ka
Tayo lamang dalawa sinta

Oh (ayaw ko nang mawalay)
Ikaw ang aking mahal (kahit saan mapunta)
Patungo sa walang hanggan (ayaw ko nang mawalay)
Ang aking pagmamahal sinta (kahit saan magpunta)

Oh (ayaw ko nang mawalay)
Ikaw ang aking mahal (kahit saan mapunta)
Patungo sa walang hanggan (ayaw ko nang mawalay)
Ang aking pagmamahal sinta (kahit saan magpunta)

Tayo'y muling mamasyal
Kahit saan mapadpad