
Patawarin Mo Ako
Ako'y nagkasalang minsan sa puso mo
At nabulabog nang bigla ang buhay ko
At dahil sa isang munting pagkukulang
Kalungkutan ang tangi kong kabayaran
Oh
Tumulo ang luha sayong mga mata
Di ko sadya sinta nasaktan ka pala
Mababawi ko lamang ang panahon
Saya natin noon ay atin pa ngayon
Oh
Patawarin mo ako
Sana'y dinggin mo ang pakikiusap ko
Parusahan mo ako
Haharapin kung iyan ang kagustuhan mo
Patawarin mo ako
Sana'y dinggin mo ang pakikiusap ko
Parusahan mo ako
Haharapin kung iyan ang kagustuhan mo
Handa ako
Tumatakbong unti-unti ang sandali
Tumitindi ang lungkot na anong hapdi
Hindi ko kaya sa buhay ko na wala ka
Pagkat limutin ka'y di ko magagawa
Oh
Patawarin mo ako
Sana'y dinggin mo ang pakikiusap ko
Parusahan mo ako
Haharapin kung iyan ang kagustuhan mo
Patawarin mo ako
Sana'y dinggin mo ang pakikiusap ko
Parusahan mo ako
Haharapin kung iyan ang kagustuhan mo
Handa ako
Patawarin mo ako