Lovi Poe

Paulit-ulit


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Malungkot ako ngunit di makaiyak
Ang mga mata'y sawa na sa pagluha
Sa pagod ang puso'y namanhid
Parang wala na akong maramdaman

Naglalaro tumatakbo ang pag-iisip
Masasayang sandali maibabalik pa kayang muli
Totoo bang masaya kang malayo
Sa aking piling mahal ko

Paulit-ulit na lang tayo
Ang sakitan kailan ba mahihinto
Ito na ba ang huling paalam
O pagsubok na pagdadaanan

Kung ikaw ay babalik
Kahit na isang saglit
Sana'y huwag mo na akong biguin (huwag mo nang biguin)
Muli

Nagdarasal na malaman ang totoo
Nandito pa sa akin kung anong mahalaga
Nariyan pa ba ako sa puso mo (nariyan pa ba sa puso mo)
O tuluyan nang naglaho

Paulit-ulit na lang tayo
Ang sakitan kailan ba mahihinto
Ito na ba ang huling paalam (ito na ba)
O pagsubok na pagdadaanan

Kung ikaw ay babalik
Kahit na isang saglit
Sana'y huwag mo na akong (huwag mo nang biguin)
Sana'y huwag mo na akong (huwag mo nang biguin)
Sana'y huwag mo na akong biguin
Muli