
Pedro Calungsod: Huwaran Ng Mga Kabataan
Sa 'yo'y pagpupugay handog nami't alay
Santong kalahì at aming kabanay
Huwarang tangì ng mga kabataan
Magiting na anak ng kabisayaan
Pagsisilbing ganap ang tanging hangad
Atas ni Cristo'y tapat na tinupad
Maayong balita ay ipinamansag
Kahayag ni Cristo ay iyong pinasinag
San Pedro Calungsod tunay na huwaran
San Pedro Calungsod angay pagasundon
Sa mga kabataan
Nahimong katabang ng paring butihin
Na si Diego Luis sa kanyang gawain
Sa malayong dapit pinili n'yang itanghal
Kaligtasan ng taong sa Diyos ay mahal
Hindi ka nasindak sa lupit at dahas
Na dulot ng bangis ng imbing kaaway
Sa baybayin ng Tumhon sa pulong Marianas
Gawasnon n'yang gihalad ang sarili n'yang buhay
San Pedro Calungsod tunay na huwaran
San Pedro Calungsod angay pagasundon
Sa mga kabataan
San Pedro Calungsod isa kang huwaran
Ng mga kabataan sa paninindigan
Panig-ingnan ikaw sa 'yong katatagan
Sa 'yo nawa'y matulad ang aming kabataan
San Pedro Calungsod tunay na huwaran (San Pedro Calungsod)
San Pedro Calungsod angay pagasundon
Sa mga kabataan
San Pedro Calungsod tunay na huwaran (San Pedro Calungsod)
San Pedro Calungsod angay pagasundon
Sa mga kabataan