Da2Pa

Perlas Ng Silangan


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Tanawin mo sa silangan
May mga islang nagdaramihan
Hindi lang animong perlas
Kung di mistulang isang kwintas

Maraming mga wikain
Pitompu't walong mga dila
Sa mahigit pitong libong
Magkakalapit na mga isla

Marami ang mahuhusay
At bantog na mamamayan
Hindi lang sa larangan ng
Sining at agham

Kapit bisig tayong mabuhay
Sa lupang hinirang
Dagat bundok at bukirin
Mayaman sa kalikasan

Ang totoong pagkakaisa
Matagal mo nang inaasam
Sa bayan ng mga magiliw
Perlas ng silanganan

Marahil ay ito na nga
Ang panahon
Sa pagbago ng iyong anyo
Tungo sa pagbangon