Hotdog

Pers Lab II


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Sana'y maganda ako
Baka sakaling ako'y ibigin mo
Ang masama ay nang magpasabog ang Diyos
Ng kagandahan naubusan yata ako

Sana'y ako'y iyong dinggin
Ang kagandahan ay aalis lilipas din
Ang kamalasa'y nang magpasabog ang Diyos
Ng kagandahan naubusan yata ako

Di maiwasan ang gayuma mo
Di ko mabilang ang patay sayo
At kung ikaw ay di mapapasaakin
Buti pa yatang mamatay

Sana'y maganda ako
Ito lang ang tanging pangarap ko
Para di na kailangan
Di na kailangang gawan pa ng kanta ang sama ng loob ko

Sana'y maganda ako