
Pinta
Dalhin mo ako sa iyong daigdig
At iguguhit mo ako sa iyong manawaring isip
Sa isang umpukan ay aking nakita
Kung papanong lapain ka nila
Kapag ikaw ay nakatalikod na
Lumalabas ang mga pangil nila
Sa sining mong tinataglay
Na di nila masakyan
Pinapara kita kaibigan
Kanilang maiintindihan
Kung sinong tunay na hibang
Dadalhin mo ako sayong daigdig
At iguguhit mo ako sa iyong manawaring isip
Huwag kang matatakot na maging ikaw
Manunuya sila't makikialam
Ang bawat tao ay malaya
Huwag kang papahatak sa mga talangka
Ang nakita mong pangitain
Panghahawakan at lagi lang sundin
Sa pagpinta mo ng iyong salamin
Ay kanilang mapapansin
Na sila ang tunay na baliw
Dadalhin mo ako sayong daigdig
At iguguhit mo ako sa iyong manawaring isip
Ang iguguhit mo sa puso mo
Ay kukulayan ng hangarin mo
Dadalhin mo ako sayong daigdig
At iguguhit mo ako sayong manawaring isip