
Pista
Buong nayon ay kay sigla
Bawat isa'y nagsasaya
Sa baryo tuwing mayrong pista
Kasayaha'y iba't iba
Mayrong mga umiindak
May umaawit sa galak
May lihim na sulyap ang binatang bukid sa mutyang marilag
Kahit isang munting dampa
Sa dulang ay mayrong handa
Nagsisilbing walang sawa
Ngiti'y hindi nawawala
Sa tuwing sasapit ang pista
Ligaya ang nadarama
Ganyan kami tuwina pagsapit ng pista walang kasing-saya
Napakainam pagmasdan
Ang paligsahan sa sayaw
Lalo na't magkasintahan
Ang umiindak ng sabay
Ang mga nag-aawitan
Kung ang kasaliw ay hirang
Tila walang pagod sa maghapong paligsahan
Sa gabi ay mayrong dula
Na tinatanghal sa madla
May mga nakatutuwa
Sa drama ay maluluha
May mga nangagsisiga
Nang ang lamig ay mawala
Ganyan kung may pista saming baryo sa tuwina
La la la la la la la la
Napakainam pagmasdan
Ang paligsahan sa sayaw
Lalo na't magkasintahan
Ang umiindak ng sabay
Ang mga nag-aawitan
Kung ang kasaliw ay hirang
Tila walang pagod sa maghapong paligsahan
Sa gabi ay mayrong dula
Na tinatanghal sa madla
May mga nakatutuwa
Sa drama ay maluluha
May mga nangagsisiga
Nang ang lamig ay mawala
Ganyan kung may pista saming baryo sa tuwina
Ganyan kung may pista saming baryo sa tuwina