
Puso sa Puso
Noong una kitang nakita
Mundo ko'y nagka kulay
Sa tuwing ikay nandito na nakangiti ng todo
Ikaw ang aking pang habang buhay
Sa hirap at ginhawa
Sa tuwing ikay nandito oras ko'y bumabagal
At dahan dahan na nagbabago
Ang takbo ng tadhana
O kay bilis ng araw na ikaw lumisan nang tuluyan
Puso sa puso
pwede bang balikan
Ang dating araw na tayo'y araw araw nag uusap
Puso sa puso
O kay sarap balikan
Noong una mong sinabe
Na ako ang iyong sandalan
Gagawin ko ang lahat upang hindi ka na lumuha ng todo
Ako ang mag sisilbing liwanag
Sa madilim na kalawakan
Sa tuwing ikay nandito buhay ko'y sumisigla
At dahan dahan na nagbabago
Ang takbo ng tadhana
O kay bilis ng araw na ikay lumisan nang tuluyan
Puso sa puso
Pwede bang balikan
Ang dating araw na tayo'y
Araw araw nag uusap
Puso sa puso
Kay sarap balikan
At dahan dahan na nagbabago
Ang takbo ng tadhana
At ngayong wala ka na
Ang ala-alang nagawa
Ay mananatili sa aking puso
O kay bilis ng araw na ikay lumisan nang tuluyan
Puso sa puso
Pwede bang balikan
Ang dating araw na tayo'y
Araw araw nag uusap
Puso sa puso
Kay sarap balikan