
Pusong Umiibig
Hindi ko mawari (oh)
Hindi ko mawari ang nararamdaman
Sa tuwing kapiling ka
Ngiti sa'king labi (oh)
Ngiti sa'king labi di na mabubura
Lalo pa't inamin mo sa'kin ako'y mahal mo rin
Sa wakas ay natupad din
Ang dinarasal at inaasam ng aking damdamin
Dahil ang pusong umiibig ay laging masaya
Dahil ang pusong umiibig lungkot ay nawawala
Kapag kapiling ka abot langit ang tuwa
Sayo lang natagpuan ang tunay na
Tunay na pag-ibig
Di makapaniwala (oh)
Di makapaniwala na ikaw at ako
Sa wakas ay magiging tayo
Pintig ng mga puso (oh)
Pintig ng mga puso'y iisa lang pala
Dati ay akala ko'y wala lang para sayo
Ang isang katulad ko
Ngunit ang lahat ay nagbago
Dahil minahal mo ako
Dahil ang pusong umiibig ay laging masaya
Dahil ang pusong umiibig lungkot ay nawawala
Kapag kapiling ka abot langit ang tuwa
Sayo lang natagpuan ang tunay na
Tunay na pag-ibig
Tila aking nalimutan
Ang salitang kalungkutan
Magmula ng una kang masilayan
Dahil ang pusong umiibig ay laging masaya
Dahil ang pusong umiibig lungkot ay nawawala
Kapag kapiling ka abot langit ang tuwa
Sayo lang natagpuan ang tunay na
Tunay na pag-ibig
Tunay na pag-ibig