
Regalo
Minamasdan ang ilaw na patay sindi
Tulala sa harap ng Krismas tree
Balewala ang ganda't kinang
Kapag nag-iisa
Naririnig kay gandang mga tinig
Ng mga batang nagkakaroling
Ngunit kulang ang sayang dapat na
Nararamdaman
Ikaw sana ngayong pasko'y kapiling
Nangangarap sabay tayong nilalamig
Walang ibang hinihiling ang puso ko
Sana'y yakap mo ang regalo ko
Ngayong pasko
Hinahanap haplos mo sa aking pisngi
Sa lamig tuwing magsisimbang gabi
Kailan kaya muling mararamdaman
Ang pagmamahal
Ikaw sana ngayong pasko'y kapiling
Nangangarap sabay tayong nilalamig
Walang ibang hinihiling ang puso ko
Sana'y yakap mo (yakap mo)
Ang regalo ko (regalo ko)
Ngayong pasko
Ikaw sana ngayong pasko'y kapiling
Nangangarap sabay tayong nilalamig
Walang ibang hinihiling ang puso ko
Sana'y yakap mo (yakap mo)
Sana'y yakap mo (yakap mo)
Ang regalo ko (regalo ko)
Ngayong pasko