
Sa Banal Na Pagtitipon
Sa banal na pagtitipon
Nangungusap siyang mahinahon
Espirito ng pagtulong
Kaloob ng Panginoon
Sa kanya'y ipinutong
Sa salaysay ng bayan
Ang dunong ng mga banal
Aawitan sambayanan sa kanilang kapurihan
At laging dakilang ngalan
Sa banal na pagtitipon
Nangungusap siyang mahinahon
Espirito ng pagtulong
Kaloob ng Panginoon
Sa kanya'y ipinutong
Ang banal kapag nangungusap
Ay madiwa tama at tumpak
Utos ng Diyos bilang batas isasapuso ng anak
Upang ito ay matupad
Sa banal na pagtitipon
Nangungusap siyang mahinahon
Espirito ng pagtulong
Kaloob ng Panginoon
Sa kanya'y ipinutong