Sylvia La Torre

Sa Libis ng Nayon


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kahit na gabing madilim sa libis ng nayon
Taginting nitong kudyapi ay isang himatong
Maligayang panahon sa lahat ng naroroon
Bawat puso'y tumutugon sa nilalayon

Puno ng kawayan ay naglangitngitan
Lalo na kung hipan ng hanging amihan
Ang katahimikan nitong kaparangan
Pinukaw na tunay nitong kasayahan

Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay
Sa libis na nayon doon manirahan
Taga-bukid man may gintong kalooban
Kayamanan at dangal ng kabutihan

Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay
Sa libis na nayon doon manirahan
Taga-bukid man may gintong kalooban
Kayamanan at dangal ng kabutihan

Puno ng kawayan ay naglangitngitan
Lalo na kung hipan ng hanging amihan
Ang katahimikan nitong kaparangan
Pinukaw na tunay nitong kasayahan

Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay
Sa libis na nayon doon manirahan
Taga-bukid man may gintong kalooban
Kayamanan at dangal ng kabutihan