Sa May Bintana
Lagi na lang akong dumudungaw sa may bintana
Upang masulyapan kahit anino mo man lamang
Nagbabakasakaling ikaw ay lumingon
Ano kaya ito aking nadarama
Araw araw ako'y naghihintay sa may bintana
Nananalangin sana'y hindi ka pa nagdaraan
Parang bumibilis tibok nitong puso
Pag-ibig ba itong aking nadarama
Napupuyat sa kaiisip nababato't naiinip
Laging laman nang panaginip
Di kayang magtiis isang araw sa may bintana
Nang di kita masulyapan makindatan man lamang
Tumitigil buong mundo sa tuwing ika'y magdaraan

Sa may bintana