Mabuhay Singers

Sa Piling Mo


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kung malasin ko giliw
Lahat ay nagsasaya
May ngiti sa mga labi puso'y walang dusa
At puno ng pag-asa
Ganyan din sana o giliw
Ang nais kong madama
Magsuyuang parati at ang pagmamahalan
Ay hindi mag-iiba

Sa piling mo
Lalawig ang aking buhay
Pagkat ikaw
Ang minamahal ko'ng tunay
Sa piling mo
Kahit na ako'y pumanaw
Ligaya pa rin sa akin
Kung ikaw ang dahilan

Sa piling mo
Lalawig ang aking buhay
Pagkat ikaw
Ang minamahal ko'ng tunay
Sa piling mo
Kahit na ako'y pumanaw
Ligaya pa rin sa akin
Kung ikaw ang dahilan