Plumartin

Sa piling mo


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Bawat segundo ko'y nakaabang
Ng bawat salitang iyong bibitawan
Liliparin kong mga kalangitan
Madinig ko lamang ang tinig mo

Iginapos ng unos at binasa ng ulan
Napagod na puso ay natulog na lang
Dalawampu't isang bahagharing duyan
Na nakamtan ko lamang sa piling mo oh

Giliw
Ako ay bihag ng iyong
Pag-ibig
Higaan langit ko ito
Giliw
Iingatan ka nitong pagsuyo
Hindi magmamaliw

Kayraming bagay tinakdang malaman
Mga laro nitong buhay na mahirap sakyan
Lahat kakayanin 'sang yakap mo lang
Ngunit di hahamakin itong mundo

Sa piling mo ako'y laging nananabik
Hanap ng labi ko'y ang iyong halik
Dalampu't isang laksang alaala
Itatago dito sa puso ko oh

Giliw
Ako ay bihag ng iyong
Pag-ibig
Higaan langit ko ito
Giliw
Iingatan ka nitong pagsuyo
Hindi magmamaliw

Giliw
Ako ay bihag ng iyong
Pag-ibig
Higaan langit langit ko ito
Giliw
Iingatan ka nitong pagsuyo
Inaalay ko na inaalay ko
Inaalay ko sa'yo