Ric Manrique Jr

Sa Piling mo


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kung malasin mo o giliw
Lahat ay nagsasaya
May ngiti sa mga labi pusong walang dusa
At puno ng pag-asa
Ganyan din sana o giliw
Ang nais kong madama
Magsuyuang palagi
At ang pagmamahalan ay hindi mag-iiba

Sa piling mo
Lalawig ang aking buhay
Pagkat ikaw
Ang minamahal kong tunay
Sa piling mo
Kahit na ako'y pumanaw
Ligaya pa rin sa akin
Kung ikaw ang dahilan

Sa piling mo
Lalawig ang aking buhay
Pagkat ikaw
Ang minamahal kong tunay
Sa piling mo
Kahit na ako'y pumanaw
Ligaya pa rin sa akin
Kung ikaw ang dahilan