Himig Heswita

Sa Piling Ng Diyos


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Magpuri magpuri kayo
Butihin and Diyos ng habag
Pinatawad niyakap tinuring na anak
Sa piling niya tayo ay muling tinanggap

Nawala at natagpuan nagbalik ang anak kong giliw
Namatay siya't muling nabuhay
Sa pag-irog kong di nagmaliw

Magpuri magpuri magpuri kayo
Butihin butihin and Diyos ng habag
Pinatawad niyakap tinuring na anak
Sa piling niya tayo ay muling tinanggap

Tanang may kahinaan ay tinipon at binasbasan
Hinagkan at binihisan
Ng balabal ng karangalan

Magpuri magpuri magpuri kayo
Butihin butihin and Diyos ng habag
Pinatawad niyakap tinuring na anak
Sa piling niya tayo ay muling tinanggap

Humayo at tularan
Ang ama nating nasumpungan
Pagpapakumbaba at pag-ibig niya ang katarungan

Magpuri magpuri magpuri kayo
Butihin and butihin Diyos ng habag
Pinatawad niyakap tinuring na anak
Sa piling niya tayo ay muling tinanggap