
Sa Wakas
Hindi na nga ba tumitigil
Kakaisip sa mga sinabi mo
Lalo tayong umiinit
Sa mga araw na ikaw ang kasama oh
Wala na nga bang pumipigil
Lumulutang sa mga inamin mo
Sobrang husay mong umintindi
Sa mga bagay na ako ang kausap mo
Ang oras natin
Ay dumating na rin (na rin)
Tayo'y lilipad na
Kasama ng hangin (hangin)
Narito na ang agos ng panahon
Narito na nakarating din tayo
Sa wakas
Mga oras na gumigising
Hinihintay ko ang iyong mga haplos
Wala na akong ibang mahihingi
Basta't nandiyan ka lang sa tabi ko
Ang oras natin
Ay dumating na rin (na rin)
Tayo'y lilipad na
Kasama ng hangin (hangin)
Narito na ang agos ng panahon
Narito na nakarating din tayo
Sa wakas oh oh oh oh
Narito na ang agos ng panahon
Narito na nakarating din tayo
Narito na ang agos ng panahon (sa wakas)
Narito na nakarating din tayo (sa wakas)
Sa wakas