Mimo Perez

Salamat Espiritung Banal


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Katulad ng banayad na simoy ng hangin
Haplos mo'y di napapansin
Subalit pano kong malilimutan
Ang hatid mo sa puso ko ay kapayapaan ng buhay kong nagdusa
Sa gitna ng dilim
Pinalaya ng liwanag mong nagniningning
At ang init mong dalisay
Pumapawi ng lamig
Ngayo'y batid kong ikaw ay pag-ibig

Salamat sayo espiritung banal
Ikaw ang dalisay na pagmamahal
Salamat sayo espiritung banal
Ikaw ang apoy na nagbibigay sigla nagpapakilos
Sa puso upang magmahal
Salamat espiritung banal

Katulad ng banayad na buhos ng ulan
Sayo'y aking natagpuan
Masaganang tubig na bumubukal
Sa pusong nauuhaw hatid mo'y pagmamahal at sa bawat sandaling
Aking kasama ka
Ang init mo'y aking damang-dama
Sa 'king galak at luha ay kapiling kita
Pag-ibig at ikaw ay iisa

Salamat sayo espiritung banal
Ikaw ang dalisay na pagmamahal
Salamat sayo espiritung banal
Ikaw ang apoy na nagbibigay sigla nagpapakilos
Sa puso upang magmahal
Salamat espiritung banal

Buhay mo'y buhay ko ngayon
Maghatid ng pag-ibig
Salamat sayo espiritong banal
Ikaw ang dalisay na pagmamahal
Salamat sayo espiritung banal
Ikaw ang apoy na nagbibigay sigla nagpapakilos
Sa puso upang magmahal
Salamat espiritong banal
Salamat
Espiritong banal