Grace Nono

Samba

Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Samba samba sambang bayan
Lahat ay nagkakaisa sambang bayan
Pagpupugay sa simula't wakas ng buhay
Mag-alay ka ng bunga't bulaklak ng pusong dalisay

Lambak ilog kabundukan
Kidlat alon at hanging kapatagan
Bigyang daan ang simula't wakas ng buhay
Iwagayway awit at kulay sayaw at salaysay

Magpasalamat sa handog ng buhay
Bawat kalagayan ay bukal ng aral
Kilalanin ang katangiang tunay
Ay mananatili paglubog ng iyong araw

Pag-ibig lamang
Pag-ibig lamang
Pag-ibig lamang

Halina mga kapatid
Umawit ng papuri
Halina minsan pa'y tunghayan
Hiwagang 'sang nilikha

Lay lalay lay lalay