Tessie Lagman

Samo Ng Puso


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ang puso ko’y nangungulila
At salat na salat sa ligaya
Ang daing ay di man alintana
At tila talagang walang pag-asa

Kahit saglit sana’y pakinggan
Ang samo ng pusong nagmamahal
Ako man ay iyong parusahan
Langit din yaring aking buhay

Mahalin kang lubos
Yan ang samo ng puso
Iduyan sa lambing ng tunay na pagsuyo
Ang sumpa ko’y hinding hindi maglalaho

Kahit ako’y mabuhay sa pasakit ay langit at magiging aliw
Na ng aba kong buhay
Kuyumin sa dibdib
Yaring aking pag-ibig
Iyong damayan at kaawaan
Mahalin mo lamang ako
Samo ng puso ko

Ang sumpa ko’y hinding hindi maglalaho
Kahit ako’y mabuhay sa pasakit ay langit at magiging aliw
Na ng aba kong buhay
Kuyumin sa dibdib
Yaring aking pag-ibig
Iyong damayan at kaawaan
Mahalin mo lamang ako
Samo ng puso ko