
Sana
Sana ang buhay ay walang dulo o hangganan
Sana'y wala nang taong mahirap o mayaman
Sana'y iisa ang kulay
Sana ay wala nang away
Sana'y pag ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo
Sana'y pag ibig na lang ang isipin sana magkatotoo
Sana'y laging magbigayan
Sana'y laging magmahalan
Sana ang tao'y hindi nagugutom o nauuhaw
Sana'y hindi na gumagabi o umaaraw
Sana'y walang tag-init
Sana'y walang tag-lamig
Sana'y pag ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo
Sana'y pag ibig na lang ang isipin sana magkatotoo
Sana'y laging magbigayan
Sana'y laging magmahalan
Tatanda at liipas din ako
Ngunit mayrong awiting
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan tayo'y nagkasama
Sana'y pag ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo
Sana'y laging magbigayan
Sana'y laging magmahalan
Sana
Sana (sana)
Sana
Sana (sana pag ibig nalang ang isipin)
Sana (ng bawat isa sa mundo)
Sana