
Sana Pinatay Mo Na Lang Ako
Mukhang
Mukhang siraulo 'yang bago mo
Mukhang hindi pa s'ya naliligo
Mukhang limot na ding magsipilyo
Bakit naman pinagpalit mo ako
Mukhang
Makakasapak na naman ako
Mukhang kailangan ko ang awat n'yo
Mukhang nagdidilim ang mata ko
Utang na loob pigilan n'yo ako
Oh kay sakit namang pag-ibig 'to
Bakit niloko mo
Sana pinatay mo na lang ako
Oh kay sakit naman ng torture mo
Sa hangal na puso ko
Sana pinatay mo na lang ako
Oh kay sakit kapag nalaman mo
Na sa halimaw ka 'pinagpalit ng mahal mo
Ang sama
Ang sama-sama naman ng biro mo
Akala ko mahal mo rin ako
Katulad ng pagmamahal sa'yo
Mali pala mali ang hinala ko
At love
Inubos mo ang laman ng wallet ko
Para masunod lahat ng luho mo
Bakit mo ako ginanito
Pakibalik naman ang brand new iPhone ko
Oh kay sakit namang pag-ibig 'to
Bakit niloko mo
Sana pinatay mo na lang ako
Oh kay sakit naman ng torture mo
Sa hangal na puso ko
Sana pinatay mo na lang ako
Oh kay sakit kapag nalaman mo
Na sa halimaw ka 'pinagpalit ng mahal mo
Oh kay sakit namang pag-ibig 'to
Bakit niloko mo
Sana pinatay mo na lang ako
Oh kay sakit naman ng torture mo
Sa hangal na puso ko
Sana pinatay mo na lang ako
Oh kay sakit kapag nalaman mo
Na sa halimaw ka 'pinagpalit ng mahal mo
Oh kay sakit kapag nalaman mo
Na sa halimaw ka 'pinagpalit ng mahal mo