Sylvia La Torre

Singsing


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Nagtaka ang nanay sa suot kong singsing
Tinanong na pilit kung saan nanggaling
Ang sagot ko'y alay ng mahal kong giliw
Na tanda ng sumpang di na magmamaliw

Ngunit ang sabi niya mahiya ka iha
Sa suot mong wari'y laruan sa apa
Ang binatang tunay sa kanyang pagsinta
Ay di mag-aalay ng abang tumbaga

Sa pintas ng nanay sa suot kong singsing
Patak ng luha ko'y di mapigil-pigil
Pagkat di niya tanto ang mahal sa akin
Isa lamang pobre na walang makain

At sinabi pa niya ikaw ay maghintay
Sa binatang big shot gusto ng iyong tatay
May brilyanteng singsing sayo'y iaalay
Kung ika'y sasama sa harap ng altar

Nabasa ng luha ang suot kong singsing
Para kong nakita ang kawawang giliw
Na kahit na dukha kung di magtataksil
Di ko ipapalit sa magarang singsing

Bakit ang suyuan madalas ay ganyan
Kayamanan lamang ang malimit tingnan
Saganang akin nga di ko ipapantay
Sa brilyante't ginto ang pagsuyong tunay