
Singularity
Tanda mo pa ba ang langit na ating pinagmamasdan
Mga bituin ay magbabalik
Tanda mo pa ba ang mga gabing tayo'y magkatabi
Ang araw ay magdarating na muli mata'y ipikit
Halika na at tayo'y sumayaw sa ilalim ng mga bituin
Ang bahid ng iyong luha ay maglalaho na muli
Magkahawak ang ating kamay kalimutan na ang lumbay
Yakapin mo ako ng mahigpit at tayo'y di maghihiwalay
Ang ating nakaraan ay lumipas na malayo na
'Di na ito mababalikan
Ang mga gabing ikaw ay umiiyak nag-iisa
'Di na ito mauulit pa ngayon na tayo'y muling magkatabi ooh
Dahan-dahang tayo ay mahuhulog
Tumingin ka lamang sa aking mata at huwag kang bibitaw
Halika na at tayo'y sumayaw sa ilalim ng mga bituin
Ang bahid ng iyong luha ay maglalaho na muli
Magkahawak ang ating kamay kalimutan na ang lumbay
Yakapin mo ako ng mahigpit at tayo'y di maghihiwalay ooh