
Sinubukan
Sinubukan mo na bang
Iguhit ang iyong mukha
Sinubukan mo na bang
Bilangin ang lahat ng mga tala
Maraming mga bagay na hindi mo pa alam
Mga kahong hinding-hindi mo pa nabubuksan
Mga silid naghihintay sila'y iyong puntahan
Nagtatanong sinubukan mo na ba
Sinubukan mo na bang
Palayain ang iyong isipan
Sinubukan mo na bang
Tukuyin ang paroroonan
Maraming mga payong di mo na pinakinggan
Sumunod sa mga payong na iyong sinilungan
Lumuhod sa mga kahoy at batong pinaglingkuran
Nagtataka sinubukan mo na ba
At ang iyong isipa'y di mo pa binubuksan
At kahit na piliti'y di mo na matutulan
Handa na bang tapusin ang iyong sinimulan
Nagtatanong sinubukan mo na ba