
Sundalo
Aalis si itay
Madidistino sa lugar na magulo
Maraming away
Sya'y hahakbang papalayo
At lilingun-lingon sa'min
Na mabigat ang kalooban
At lalapit ang nanay ko
Magtatanong kung saan at
Kelan sya babalik sa amin
Lumuluha na ang nanay ko
At yayapos sa kabiyak
Magsasabing mag-ingat ka
Sya'y magpapayo sa amin
Pakabait lang daw kami
Wag pabaya sa aming sarili
Isang mahigpit na yakap
Mga halik sa'ming pisngi
Bago siya lumisan ng bahay
Lumipas ang mga araw
Nag-iisip nagpupuyat naghihintay
Ang aming nanay
Bigla na lang may dumating
Isang mensaheng madilim
Galing sa kampo ni tatay
Ang nakasaad sa sulat
Wag daw kami mabibigla
Pagkat pumanaw na ang tatay
Nakabaril daw sa kanya'y
Isang rebeldeng sundalo
Kapwa nya rin Pilipino
Oh kailan na matatapos
Mga problema't kaguluhan
Dito sa bansang Pilipinas
Sana'y wala ng NPA
MNLF RAM CPP
Mapagsamantalang tao sa gobyerno
Sana alitan kalimutan na
Katotohana'y harapin
Bigyang daan
Kapayapaan
Oh kailan na matatapos
Mga problema't kaguluhan
Dito sa bansang Pilipinas
Sana'y wala ng NPA
MNLF RAM CPP
Mapagsamantalang tao sa gobyerno
Sana alitan kalimutan na
Katotohana'y harapin
Bigyang daan
Kapayapaan