
Susunod Ako Sa Nais Mo
Ang katulad ko
Di marapat sa iyo
Nagkasala at lumayo
Sumuway sa nais mo
Pangungusap mo
Di pansin ang puso ko
Landas ko
Ay naligaw
Ngunit nang ako
Ay tawagin mo
Namulat sa 'yong salita
Sa 'yo'y nagtiwala
Ngayon ang nais mo
Sumunod sa 'yo
Magbagong buhay
Sa 'yo'y di nawawalay
Ang pagkukulang ko aking itutuwid
Bigyang muli ng pagkakataon
Ang pag-ibig mo Ama ay aking nadama
Ako ay pinatawad mo sa nagawang sala
Kaya ang buhay ko ay alay ko sa 'yo
Susunod ako sa nais mo
Ngunit nang ako
Ay tawagin mo
Namulat sa 'yong salita
Sa 'yo'y nagtiwala
Ang pagkukulang ko aking itutuwid
Bigyang muli ng pagkakataon
Ang pag-ibig mo Ama ay aking nadama
Ako ay pinatawad mo sa nagawang sala
Kaya ang buhay ko ay alay ko sa 'yo
Susunod ako sa nais mo
Salamat po Hesus sa katubusan mo
Buhay ay inalay mo nang lubos
Nang lubos
Ang pag-ibig mo Ama ay aking nadama
Ako ay pinatawad mo sa nagawang sala
Kaya ang buhay ko ay alay ko sa 'yo
Susunod ako sa nais mo
Susunod ako sa nais mo