
Tanging Pag-Ibig
Ang pag-ibig ko ay isa lamang
Ya'y sa pusong tapat magmahal
May pangako pa yaring puso
Maging tapat magpakailan pa man
Kung sadyang ito ang kapalaran
Ang kahit maging sino ka man
Ay ligaya ng aking puso
Maging iyong-iyo lamang
Ang puso ko ngayo'y matahimik
Ay biglang ginulo ng pag-ibig
Sa diwa ko'y laging nasa isip
Kung tapat ang iyong pag-ibig
Aywan ba kung bakit alinlangan
Ang puso kong tapat magmahal
Puso mang matibay sa pag-ibig
Dagling luluha kung iwanan mo
Ang puso ko ngayo'y matahimik
Ay biglang ginulo ng pag-ibig
Sa diwa ko'y laging nasa isip
Kung tapat ang iyong pag-ibig
Aywan ba kung bakit alinlangan
Ang puso kong tapat magmahal
Puso mang matibay sa pag-ibig
Dagling luluha kung iwanan mo