Lito Magnaye

Tanging Yaman


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ikaw ang aking tanging yaman
Na di lubusang masumpungan
Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan

Ika'y hanap sa tuwina (o Diyos ika'y hanap sa tuwina)
Nitong pusong ikaw lamang ang saya (nitong pusong ikaw lamang ang saya)
Sa ganda ng umaga
Nangungulila sa'yo sinta

Ikaw ang aking tanging yaman
Na di lubusang masumpungan
Ang nilikha mong kariktan (ang nilikha mo)
Sulyap ng 'yong kagandahan

Ika'y hanap sa t'wina (o Diyos ika'y hanap sa tuwina)
Sa kapwa ko kita'y laging nadarama (sa kapwa ko kita'y laging nadarama)
Sa iyong mga likha
Hangad pa ring masdan
Ang 'yong mukha

Ikaw ang aking tanging yaman
Na di lubusang masumpungan
Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan (sulyap ng 'yong kagandahan)
Sulyap ng 'yong kagandahan