
Tayo'y umawit at magdiwang
Tuwing pasko lahat ay maligaya
Ang bawat tao ay masigla
Nagagalak dahil sa pagsilang ng dakilang sanggol na lipos ng ganda
Tumubos ng ating mga sala
At hirap na ating nadarama
Kaya halina't tayo'y magsimba
Manalangin sa sanggol ng ating Diyos Ama
Tayo'y dumalangin at magsipagdasal (dumalangin at magdasal)
Pasalamat ng lubusan (ng lubusan)
Sa Diyos na sugo satin ng Maykapal tayo'y umawit at magdiwang
Ang dakilang basbas may biyayang taglay (may biyaya na taglay)
Pag-ibig na walang hanggan (na walang hanggan)
Salubungin natin ang buong kasiyahan tayo'y umawit at magdiwang
Tuwing pasko lahat ay maligaya
Ang bawat tao ay masigla
Nagagalak dahil sa pagsilang ng dakilang sanggol na lipos ng ganda
Tumubos ng ating mga sala
At hirap na ating nadarama
Kaya halina't tayo'y magsimba
Manalangin sa sanggol ng ating Diyos Ama
Tayo'y dumalangin at magsipagdasal (dumalangin at magdasal)
Pasalamat ng lubusan (ng lubusan)
Sa Diyos na sugo satin ng Maykapal tayo'y umawit at magdiwang
Ang dakilang basbas may biyayang taglay (may biyaya na taglay)
Pag-ibig na walang hanggan (na walang hanggan)
Salubungin natin ang buong kasiyahan
Tayo'y umawit at magdiwang