
Time Traveler
Ang oras ay tumigil sa ’king buhay
Agos ay muntik na mamatay
Tignan mo ako sa luha’y nalulunod
Tinig ko sana ikaw ay maabot
Ikaw lang at ako
Sa mundong ito
Muling bumabalot
Sa puso ko ang alaalang tayo’y
Magkasama
Ang Pangakong
Hindi bibitaw sa kamay ko’ng ito
Kahit na tumigil ang oras
Lumalamig na ang simoy ng hangin
Sumapit na ang hating gabi
Ramdam ko pa ang mga yakap mo na malambing
Kahit wala sa’king tabi
Ikaw lang at ako
Sa mundong ito
Pakinggan mo ako
Maghihintay sa 'yo
Sana ay dumating
Ang araw na ika’y kapiling
Ikaw lang at ako
Sa mundong ito
Muling tumatakbo
Sa isip ko ang mga araw na tayo’y
Magkayakap
At kahit pa maubos na ang oras ko sa mundo na ito
Ikaw ay hahanapin ko
Oh