
Tulak Ng Bibig, Kabig Ng Dibdib
Mahal pala kita
Ngayon ko lamang nadama
Kung kailan nawala
Saka hinanap ka aking sinta
Ganyan pala ang umiibig
Lagi ka lang nasasa-isip
Lagi kitang naaalala
Sa bawat saglit
Tulak ng bibig kabig ng dibdib
Ito'y kasabihang aking nabatid
Kung tuluyan mang ikaw ay mawala
Pikit-mata pa rin kita'y hihintayin
Sa'yong pagbabalik
Ibibigay ko ang langit
Wagas na pagsinta
Walang maliw na pag-ibig
Ganyan pala ang umiibig
Lagi ka lang nasasa-isip
Lagi kitang naaalala (lagi kitang naaalala)
Sa bawat saglit
Tulak ng bibig kabig ng dibdib
Kabig ng dibdib tulak ng bibig
Tulak ng bibig kabig ng dibdib
Kabig ng dibdib tulak ng bibig (kabig ng dibdib)
Tulak ng bibig kabig ng dibdib
Ito'y kasabihang aking nabatid
Kung tuluyan mang ikaw ay mawala
Pikit-mata pa rin kita'y hihintayin
Tulak ng bibig kabig ng dibdib