Kit Manlangit

Tulala


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Nakamulat ang mata ngunit walang natatanaw
Sumabog ng liwanag ngunit hindi nasisilaw
Ganito ba talaga ang taong tulala
Umulan man ng ginto hindi pa rin magwawala

Patuloy ang kabog sa ulo at dibdib
Sa ganitong sitwasyon walang anumang panganib
Ganito ba talaga ang taong tulala
Sigawan man ng mundo hindi pa rin mabibigla

At anumang pilit
Patigilin ang mundo
At anumang pilit
Pabagalin ang minuto

Ang tamis ng pagkatulala
Ay bigla-biglang mawawala