
Tuldok
Tuldok sa linya ay hindi napapansin
Gaano man kahaba ang dulo'y tuldok pa rin
At kahit ilang beses mo mang ulit-ulitin
Ang simula't katapusan ay tuldok pa rin
Parang tayo na nagmula sa gatuldok na damdamin
Lumaki ma't tumanda tayo'y tuldok pa rin
Dito sa mundong ating inaangkin
Tumingala't maihahambing lamang sa mga bituin
Kulay at hugis ay hindi mahalaga
Bali-baliktarin mo ma'y itsura'y iisa
At kahit pagsama-samahin pa dito sa lupa
Sa kanyang mga mata tayo'y tuldok niyang nilikha
Ano nga bang saysay nating maliliit na butil
Kung kanya-kanya naman ng pagsaliw sa hangin
Ating daigdig malapit nang maningil
Magwawakas magtatapos sa tuldok pa rin yeah
La la la la