Musikatha

Tuloy Ang Awit


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Bumuhos ang ulan
Umagos at halos malunod na
Umihip ang hangin
Pinilit na ako ay itumba
Binalot ng dilim ang langit
Kinapos ng liwanag
Pagtitiwala ko'y hindi matitinag

Pangako Mo'y aking sandigan
At biyaya Mo'y lubos
Ang bisig Mo ang kublihan
Hanggang matapos ang unos
Paglipas ng pagod at luha
'Di maaaring huminto
Ang pagbukal ng pagsamba sa'king puso

Tuloy ang awit
Sigaw ng aking pusong nagtagumpay
'Pagkat lakas Mo ang taglay
Tuloy ang awit
Tuloy ang daloy at ito'y walang humpay
Ang ilog ng papuri ay hindi mapipigil
Hindi matutuyo
Tuloy-tuloy ang awit para Sa'yo oh

Bumuhos ang ulan
Umagos at halos malunod na
Umihip ang hangin
Pinilit na ako ay itumba
Binalot ng dilim ang langit
Kinapos ng liwanag
Pagtitiwala ko'y hindi matitinag

Pangako Mo'y aking sandigan
At biyaya Mo'y lubos
Ang bisig Mo ang kublihan
Hanggang matapos ang unos
Paglipas ng pagod at luha
'Di maaaring huminto
Ang pagbukal ng pagsamba sa'king puso

Tuloy ang awit
Sigaw ng aking pusong nagtagumpay
'Pagkat lakas Mo ang taglay
Tuloy ang awit
Tuloy ang daloy at ito'y walang humpay
Ang ilog ng papuri ay hindi mapipigil
Hindi matutuyo
Tuloy-tuloy ang awit para Sa'yo (tuloy-tuloy ang awit)

Tuloy ang awit
Sigaw ng aking pusong nagtagumpay (sigaw ng puso kong nagtagumpay)
'Pagkat lakas Mo ang taglay
Tuloy ang awit
Tuloy ang daloy at ito'y walang humpay
Ang ilog ng papuri ay hindi mapipigil
Hindi matutuyo
Tuloy-tuloy ang awit para Sa'yo

Ang daloy daloy hindi mapipigil
Hindi matutuyo
Hindi mapipigil
Hindi matutuyo
Hindi mapipigil
Hindi matutuyo
Tuloy-tuloy ang awit para Sa'yo