Tessie Lagman

Tunay Kaya


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Sa bitag ng 'yong puso
Sana'y iyong itago
Ang tunay kong pagsuyo
Na di maglalaho

Iyan kaya'y dalisay
At di panlinlang lamang
Sa mahinang puso kong
Tapat kong magmahal

Tunay kaya maawa ka
At di magmamaliw magpahanggang libing
Maniwala kang tunay kaya
Maawa ka tanging ikaw lamang

Kung gayo'y kay tamis ng ating pag-ibig
Tataglayin hanggang langit
Ako ay sa iyo ikaw ay sa akin
Huwag mo sanang lilimutin

Kung ako'y magtampo kita'y susuyuin
Ang lahat ay sa 'tin
Mundo ma'y gunawin
Tayo'y magsasama aking giliw

Kung ako'y magtampo kita'y susuyuin
Ang lahat ay sa 'tin
Mundo ma'y gunawin
Tayo'y magsasama aking giliw