
Umawit Ang Bayan
Umawit ang bayan ng poong mahal
Ng himig ng kagalakan
Ang bawat isa'y may handog na taglay sa pagsilang ng Panginoon
Halina't magdiwang sa Diyos na banal
Purihin siya at awitan
Kanyang kaluwalhatia'y ihayag
Sa ating tuwa't kagalakan
At sa pagsilang ng poong Jesus
Kapayapaan ang alay
Sama ng loob ay ating talikdan at magmahalan ng tunay
Umawit ang bayan ng poong mahal
Ng himig ng kagalakan
Ang bawat isa'y may handog na taglay sa pagsilang ng Panginoon
Halina't magdiwang sa Diyos na banal purihin siya at awitan
Kanyang kaluwalhatia'y ihayag sa ating tuwa't kagalakan