Troy Alcala

Wag Nang Umalis


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Bawat hiling pinipilit
Bawat iling lumalapit
Sa init ng iyong mga kapit
Ang tanging hiling
Wag kang umalis
Wag kang umalis

Walang ibang hihintayin
Hindi na pwede pang maangkin
Subukang sa iba tumingin
Makakatikim

Sino ba yang iniisip
Telepono hanggang panaginip
Lahat na yata ng kausapin
Iyong inalis

Huwag mong dibdibin
Makuha sa maamong tingin
Mahirap bang intindihin
Ang pag-ibig

Bawat hiling pinipilit
Bawat iling lumalapit
Sa init ng iyong mga kapit
Ang tanging hiling
Wag nang umalis
Wag nang umalis

Kung minsan may nais sabihin
Hindi alam kung pano gawin
Mahirap kung iba ang dating
Wag mong galitin

Inibig ka kahit sumpungin
Pero sana mag-iba ang hangin
Napapagod nang unti-unti rin
Iyong intindihin

Huwag mong dibdibin
Makuha sa maamong tingin
Mahirap bang intindihin
Ang pag-ibig

Bawat hiling pinipilit
Bawat iling lumalapit
Sa init ng iyong mga kapit
Ang tanging hiling
Wag kang umalis
Wag nang umalis
Wag nang umalis
Wag nang umalis