Ang Bandang Shirley

Wala Lang


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Masaya high sa buhay
Abot ko na ang langit abot ang iyong kamay
Wala sa isip kung anong hinaharap
Nananabik makita wag kang kukurap

Tumalon sumayaw sumigaw
Lakasan mo pa dinig nila ang hiyaw
Lahat ng baon mong kaba'y itapon na
Hindi kailangan ng rason wag magtaka

Wala lang wala lang
Walang sagot kung bakit (walang sagot kung bakit)
Di ko rin alam
Sunud-sunuran lang ba sa magtatanong
Pagtingala lumipas na ang panahon

Ang gaan ng paglaya
Sa alinlangang pambigat sa iyong paa
Di bale na sila di bale na'ng lahat
Isang ngiti isang hakbang ang katapat

Wala lang wala lang
Walang sagot kung bakit (walang sagot kung bakit)
Di ko rin alam
Sunud-sunuran lang ba sa magtatanong
Pagtingala lumipas na ang panahon

Kailangan ba ng dahilan
Kung bakit ka papunta diyan
Ipunin mo na lang ang iyong lakas
Ikaw lang ang may hawak ng bukas

Wala lang wala lang
Walang sagot kung bakit
Hindi ko rin alam
Sunud-sunuran lang ba sa magtatanong
Pagtingala lumipas na ang panahon

Wala lang wala lang
Walang sagot kung bakit (walang sagot kung bakit)
Hindi ko rin alam
Basta't alam mo kung ano ang gusto mo
Wala na dapat pang pipigil sa iyo