
Walang Pakialam
Nahihilo akong kasama siya
Patay sindi ang daloy ng trip niya
Nanlilisig kung tumingin
Minsan nama'y naglalambing
Di ko makuha kung ano bang gusto niya na aking gawin
Sa kabig ng unang salita
Ang puso ko ay nabihag niya
Pag nagtaray siya alam na
Heto ako at makikiramdam
Siya'y sala sa init at lamig
Gayunma'y hindi ipagpapalit
Ang meron ako sa kanya
Kahit na parang siya ay walang pakialam
Pag kasama ko siya ang mundo ko'y may kulay (may kulay)
Pero pag tinetext na hindi nagrereply
Di ko mabasa mga tingin niya
Kung makayakap akala mo kami na
Atras abante man ang tema
Isang ngiti niya lang ay ok na
Sa kabig ng unang salita
Ang puso ko ay nabihag niya
Pag nagtaray siya alam na
Heto ako at makikiramdam
Siya'y sala sa init at lamig
Gayunma'y hindi ipagpapalit
Ang meron ako sa kanya
Kahit na parang siya ay walang pakialam
Oh
Sa kabig ng unang salita
Ang puso ko ay nabihag niya
Pero bakit parang siya ay walang pakialam
Siya'y sala sa init at lamig
Nakuha pa niya 'kong ipagpalit
Kaya ngayon ako naman ang sa kanya ay walang paki
Alam ko na wala na siyang pakialam
Walang pakialam
Wala walang pakialam