
Yakap
Ako ay nagbalik
Sa init ng iyong yakap
Parang ibong sabik
Sa isang pugad
Nadanas ko ang lungkot
Nang kita'y aking iwan
Na 'di pa dinanas ng sinuman
Ako ay nagbalik
At muli kang nasilyan
Hindi na ako muli pang lilisan
Dahil kung ikaw ang yakap ko
Parang yakap ko ang langit
At yakap ko pati
Ang iyong ngiti
Init ng iyong halik
Wala nang kasing init
Yakap pa rin nito
Yaring init
Ako ay nagbalik
At muli kang nasilyan
Hindi na ako muli pang lilisan
Dahil kung ikaw ang yakap ko
Parang yakap ko ang langit
At yakap ko pati
Ang iyong ngiti
Ako ay nagbalik
At muli kang nasilyan
Hindi na ako muli pang lilisan
Dahil kung ikaw ang yakap ko
Parang yakap ko ang langit
At yakap ko pati
Ang iyong ngiti
Ako ay nagbalik