Luke Mejares

Yakap Yakap


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Sa iyong mga mata nakita ko ang pagtitiwala
Aking lungkot ay nawala ang puso ko’y napaibig mo
Bakit ba pag nariyan ka sarili ko’y di makapaniwala
Pakiramdam ko sa iyo’y nag-iiba sa tuwing kapiling ka
Sa'yong mga halik aking naramdaman pagmamahal na
Walang hanggang kapag ika’y hagkan (bakit kaya)

Ako'y nabihag mo (walang hanggan)
Pag-ibig ko’y sayo (sa tuwing ako'y hinahagkan)
Wala ng kailangan pa basta’t yakap-yakap kita

Sa tuwina ang hanap ko’y iyong halik
At ang yakap mo at sa pagsikat ng araw hindi na manggiginaw

Sayong mga halik aking naramdaman (aking naramdaman)
Pagmamahal na walang hanggan kapag ika’y hagkan oh (bakit kaya)

Ako'y nabihag mo (walang hanggan)
Pag-ibig ko’y sayo (sa tuwing ako'y hinahagkan)
Wala ng kailangan pa basta’t yakap-yakap kita

Bakit ang pag-ibig sadyang mapaglaro
Kusang sumusulpot hindi mo inaasahan (bakit kaya)

Ako'y nabihag mo (walang hanggan)
Walang hanggan pag-ibig ko’y sayo (sa tuwing ako'y hinahagkan)
Wala ng kailangan pa basta’t yakap-yakap kita oh (bakit kaya bakit kaya)