Mag-isa


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Sanay naman akong kumain mag-isa
Walang manghuhusga kung mag-extrang
Kanin pa
Sanay naman akong magsineng mag-isa
Walang manghahampas 'pag kinikilig na siya

Ngunit bakit biglang hanap-hanap ko siya
Hindi matanggi ako'y bihag na niya
At bawat lugar na pupuntahan
Ang tanging hiling ay sana kasama kita

Sanay naman akong, mamasyal mag-isa
Walang magpapasakay pag ngawit na ang paa
Tipid at mabilis, magshopping mag-isa
Hindi yung isusukat pa, lahat ng makita

Ngunit bakit biglang hanap-hanap ko siya
Hindi matanggi ako'y bihag na niya
At bawat lugar na pupuntahan
Ang tanging hiling ay sana kasama kita

Ngunit bakit ko ba hinayaan na lang?
Isuko ang puso ng wala man lang laban
At kahit saan pa ako mapadpad
Ako'y masaya basta't laging kasama ka lang

Sanay naman akong matulog mag-isa
Hindi yung may kaagaw sa kumot, magdamag
Sanay naman akong mabuhay mag-isa
Hindi yung balang-araw, bigla kang iiwan na lang