Balang Araw
Laging lumuha't nakakulong
Sa'king madilim na kwarto at
Agiw na lang ang sa'kin nakatingin
Hangin, pumipigil sa dugo
Lalim ng lungkot ay lulubog lalo
Hanggang 'di na makatayo
Sisikat din ang araw sa'yong mata
Balang-araw
Mapapagod ka ring saktan ang 'yong sarili
Ang 'yong puso
Ay dudugo ngunit gagaling rin
Dating ilaw sa iyong mata
Tila alon na nawawala
Ngunit sa dalampasigan ay maghintay ka, ah
Sisikat din ang araw sa'yong mata
Balang-araw
Mapapagod ka ring saktan ang 'yong sarili
Ang 'yong puso
Ay dudugo ngunit gagaling rin
Bahala na
Kung panahon man ang kailangan kong bilangin
Bawat puso'y
Magdudugo ngunit gagaling rin
Darating din ang sandali
Ikaw ay babalik
Darating din, sandali