Saan Kakapit
'Di ko na ulit makita ang daan
'Kala mo nasa alapaap na
Pare, usok lang 'yan
Hindi rin siya gaano kagaan
Mahirap rin naman kahit wala nang ulan
Wala nang malapit
Kung madulas, sa'n kakapit?
At kahit mainit
Giniginaw na ako
Nababaliw na ako
Kamusta kayo?
Nababaliw na ako
Kailan ba babalik ang tag-ulan?
Inaabangan na baka mahalikan
Na ng araw ang buwan
Wala nang malapit
Kung madulas, sa'n kakapit?
At kahit mainit
Giniginaw na ako
Nababaliw na ako
Sino bang aamin?
Kalimutan na lang natin?
Patangay na lang sa hangin?
Giniginaw na ako
Nababaliw na ako
Nababaliw na ako
Nababaliw na ako
Nababaliw na ako
Nababaliw na ako
Ba't ba pinili ko 'to?
Kamusta na ba kayo?
Nababaliw na ako