IV of Spades

Kabisado


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Lumang tugtugin ang gusto mo
Adik ako sa iyong pabango
Kahit ano ay bagay sa'yo
Ang mga ibon ay sumusunod sa iyo

Oh, ooh
Parang 'di ka totoo

Kabisado ko na ang tamis ng iyong labi
Kabisado ko na ang oras ng 'yong uwi
'Di na kailangan pa na ikaw ay magsalita, ah

Nang magpaulan (Magpaulan) ang Panginoon
Ng kagandahan (Ng kagandahan), nabuhos lahat sa iyo

Oh, ooh
Parang 'di ka totoo ('Di ka, 'di ka)

Kabisado ko na ang tamis ng iyong labi
Kabisado ko na ang oras ng 'yong uwi
'Di na kailangan pa na ikaw ay magsalita, ah

Naaalala kita
Kahit saan magpunta
At tanging dalangin ko ay mapasa-iyo, oh

Kabisado ko na ang tamis ng iyong labi
Kabisado ko na ang oras ng 'yong uwi
'Di na kailangan pa, 'di na kailangan pa