86
Iniisip mo pa rin ba
Ang pagod at sakit puno pa ng pangamba
Naghihintay pa rin ng makakapitan
Ngayo'y wag maduhagi ako ay nariyan
Aking irog di ka na mababalikan
Ng araw na ika'y pinahihirapan
Ang kagandahan ko'y di pa rin kumupas
Sa bawat oras pang pilit na lumipas
Ngunit bakit tila puso mo'y sawi na patuloy pang inaapi
Bawat salita nila'y hinuhugos nang makasakit
Dininig ng langit ang iyong panalangin
Pilit kong binabanggit sayo na
Di na maglalaho pa ang mga kislap sa'yong mata
Ako'y nagagalak na makita kang ligtas mula sa kadiliman
Ang iyong ngiti ay parang bituin na nagniningning sa kalangitan
Maaari nga bang makasama din kita sa aking mga pangarap
Nagdaan ang araw tayo ay hindi na matitinag
Pilit na lumaban
Ang dulo ng mundo'y puno ng kasinungalingan at pangako na
Di man lang napagbigyan
At bakit nga ba tila nagbago ka na
Hindi na gaya dating puno ng saya
Nangangamba ka bang malinlang ka niya
Ang awit ng dilim habang tumatawa
Tila tumalima ng mabilis ang pangyayari
Ang kanyang pagtingin sa akin ay di na tulad dati
May nabanggit ba ako na sayo'y nakasakit
Patawad sa'king sasabihin na katotohanan
Tila nagbabago na ang pagluhog ng tadhana
Ang tanging hinangad sa iyo'y walang iba kung hindi kapahamakan
Ang aking ngiti ay napakatamis ngunit dito'y tatapusin ko na
Ang aking pagpapanggap paalam na sa iyo 'di na kita kailangan
Bakit nabubuhay pa ang isang katulad kong hangal
Isang kahamakan ba ang paghangad man lang ng isang tiyak na bukas
Kung naririnig ang tanging hinaing ko sa langit sana'y pagbigyan
Paano na nga ba hahanapin ang wakas na walang patutunguhan
At bakit naglalaho na ang mga kislap sa'yong mata
Balot ng pangamba ang aking mga mata at ako'y nababahala
Sa iyong ngiti na kalayaan din ang minimithi lumisan na ba
Ang tangi kong pag-asang talikuran mo na lang ang nais ng kasamaan
Ang aking hiling ay wasakin ang ngiti na dumadampi sa'yong mukha
Hindi na masaya kung patas pa rin lumaban sayo ang kadiliman
'Di ako sabik sa tangi mong sambit na makakamit ang kabutihan
Paalam kaibigan sa iyong paglalakbay na walang pinatunguhan