Aking Pangako


Isang pangako
Na ibinigay
Dugo't pawis at pagsasama'y laging alay
Mga pagsubok
Na naghihintay
Siya ang nakabantay
Siya ang gumagabay

Huwag kang matakot
Sa'yong kaaway
Ako'y nandito nakabantay sayo
Kahit ilan sila
Hindi mawawala
Ang aking pinangako sayo

Sa pagsapit
Na takipsilim
Hindi ka mawawala
Diretso lang ang tingin
Kung ika' y lumingon
Kaharap ang dilim
Ang boses ko'y sundan
Ulyaw na walang hanggan

Huwag kang matakot
Sa'yong kaaway
Ako'y nandito nakabantay sayo
Kahit ilan sila
Hindi mawawala
Ang aking pinangako sayo

Huwag kang matakot
Sa'yong kaaway
Ako'y nandito
Kahit ilan sila
Hindi mawawala
Ang aking pinangako sayo come on